Pages

About Me

My photo
-a Registered Nurse whose mission is to spread LUPUS AWARENESS.

Saturday, 3 September 2011

SI POPOY


SI POPOY
(aikx, amae, nikki)

            Hindi ko ikakaila na ako’y matanda na. Marami nang naging karanasan, marami nang nakilala at napagdaanan. Dahil sa mga ito kaya masasabi ko na ang buhay ay parang isang salamin. Bakit? Mamaya ay malalaman ninyo. Isa nga pala ako manlalakbay. Ako si Paulito Papito y Ba. Maari ninyo akong tawaging Popoy.

            Ako, bilang manlalakbay ay mahilig pumunta sa iba’t-ibang lugar. Nakapunta na ako sa Bulacan, Nueva Ecija, Maynila, Cavite at sa marami pang lugar sa ating bansa. Dahil dito kaya iba’t-ibang tao na may iba’t-ibang kwento ng kanilang buhay na ang aking nasaksihan. Sa lahat ng mga taong ito, pinakanagustuhan ko ang istorya ng magkakaibigan sa Pampanga. Heto’t ikukwento ko.

            Nasubukan ang kanilang pagkakaibigan nang mga panahon na nakalaya ang ating bansa mula sa pananakop ng mga Amerikano. Sa di inaasahan, pinagtagpo sila ng tadhana. Malaki ang bahid na impluwensyang hatid ng mga Amerikano at dahil doon naging kilala ang kanilang grupo sa tawag na “Lil’angels”.

            Mga lisensyadong manggagamot sina Amae, Aikx at Nikki. Dahil sa kanilang malinis na kalooban binigyan sila ng gobyerno ng karangalan kalakip ng malaking pera. Napagdesisyunan ng tatlo na bumili ng isang kotse sa kadahilanang gusto nilang maglakbay sa iba’t-ibang lugar. Natupad ang kanilang pangarap at sa bayan ng Pampanga nakatagpo sila ng mga bagong kaibigan na sina Anne, Gelai, Kays at Linds na namamahala ng isang malaking negosyo. Hindi nahirapan sa pakikisama ang tatlong manggagamot. Kaya naman hindi nagtagal, dumaan sa landas nila ang limang magkakaibigan na sina Annd, Hayz, Jam, Krizzy at Kath. Silang lahat ay nakapaglakbay na gamit ang kanilang pinakamamahal at paboritong sasakyan.

            Puno ng makukulay na karanasan ang buhay ng mga magkakaibigang ito. Isa na ang balitang – ang masayahing si Kath ay aalis na patungong California sapagkat dumating na ang pinakahihintay niyang petisyon mula sa kanyang ama. Buong puso naman itong tinanggap ng magbabarkada at sila’y naghanda ng isang sorpresa para sa kanya.
           
            Walang ideya si Kath kung kalian siya muling makakauwi ng bansang Pilipinas ngunit sa puso niya ay mananatili ang mga taong nagbigay sa kanya ng tunay na kahulugan ng kaibigan.

            Nagpatuloy ang mga magkakaibigan sa takbo ng buhay. Maswerte sina Kays at Hayz dahil sila ay kinukuha bilang artista sa telebisyon. Tinanggap nila iyon at dahil doon naging abala ang dalawa. Sina Anne, Annd at Krizzy ay pinagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa Maynila dahil gusto nilang sundan ang yapak ng tatlong matagumpay na manggagamot. Si Gelai naman, naging abala sa mga negosyo ng kanilang pamilya.

            Nalungkot si Nikki dahil tila pakonti na sila ng pakonti. Nilapitan niya sina Linds at Jam para humingi ng tulong subalit nalaman niya na magpapakasal na pala ang dalawa sa kanya-kanyang nobyo. Lalo tuloy itong nagparagdag sa lungkot na nararamdaman. Sa bandang huli, sina Aikx at Amae na lamang ang kanyang nalapitan.

            Dahil sa kaabalahan ng iba, nagpasya ang tatlo na pumunta na lamang sa Subic para makapagpahinga at makapag-isip. Naging masaya naman ang isang linggong inilagi nila doon. Naisip din nila na sa halip na magtampo ay gagawa na lamang daw sila ng paraan para magkasama-samang huli.
           
            Nagplano sila na magkaroon ng isang gabing pagsasama-sama sa bahay nina Aikx. At doon, ibabaon nila ang isang kahon na naglalaman ng kanilang sumpaan para sa isa’t-isa.

            Bago kami umalis sa Subic ay inihanda muna ng tatlo ang mga kailangang gamit para sa kanilang pagtitipon tulad ng kahon, pluma at papel. Gusto kasi nina Aikx, Amae, at Nikki na sa lalong madaling panahon ganapin ang gabi ng pagkakasama-sama nila. Batid ng tatlo kung paano ko rin pinaghandaan ang araw na iyon.

            Dapithapon na kami’y nakaalis sa Subic. Masayang nagtatawanan sina Nikki at Aikx habang tulog naman si Amae. Nang makarating ang tatlo sa Pampanga, nagpasya silang matulog muna sa bahay nina Amae. Doon, isa-isa nilang tinawagan ang ibang Lil’angels at sinabihan na magkita-kita sila sa bahay ni Aikx sa susunod na gabi.

            Kinaumagahan ay nagmamadaling pumunta ang tatlo sa bahay ni Aikx. Inayos at nilinis nina Aikx at Nikki ang bahay habang si Amae naman ay abalang nagluto. Nang sumapit na ang gabi, isa-isa nang nagsidatingan ang iba. Sabay na dumating si Hayz ay Linds. Ilang minuto naman ang nakalipas nang dumating sina Annd, Anne, Krizzy, Jam at Gelai. Huling dumating si Kays dahil kagagaling lang niya sa isang TV guesting.

Nang makumpleto sila, sabay-sabay silang kumain. Ang hapunan na iyon ang isa sa mga pinakamasayang hapunan nilang sama-sama. Lahat sila ay may kwentong dala. Pagkatapos ng hapunan, nagpasya silang lumabas sa hardin upang doon ipagpatuloy ang kanilang kwentuhan at manood ng mga bituin.

Biglang sumigaw si Linds. “Alam ko na!” masaya niyang sabi. “Punta tayong Baguio”.

Lumiwanag ang mukha ng bawat isa liban na lamang kay Annd. Naalala niya bigla si Kath. Tila nalungkot ang grupo nang sila ay nagbalik-tanaw sa bawat oras ng kanilang pagsasama-sama kung saan sila ay kumpleto pa.

Palihim naman umalis sa usapan si Hayz at kinuha sa bag ang kanyang cell phone. Napansin naman siya ni Kays at kanya itong pinuntahan.

Naghati-hati sa trabaho ang magbabarkada at pinagplanuhan ito ng maayos. Ika-labing lima ng Hunyo ang napiling araw ng pag-alis. Sinakto ito sa kaarawan ni Nikki upang maging masaya ang pagtitipon-tipon.

Pasakay na ang magbabarkada sa akin ngunit hindi mapalagay sina Kays at Hayz nang biglang may tumapik kay Gelai. Nagsigawan at naiyak ang iba nang masilayan nila si Kath.

“Mukhang may nakakalimutan kayo”, banggit ni Kath. At sinalubong nila ito ng isang malaking yakap bilang tanda ng kanilang pasasalamat na sila’y kumpleto sa araw na iyon.

Bumiyahe kami sa zigzag na daan at ang mahilig matulog na si Annd ay nakaidlip at biglang nagsalita.

“Huwag na tayong tumuloy, uwi na tayo!” ang sabi niya.

Tumawa ng malakas sina Krizzy, Jam at Anne dahil sa panaginip ni Annd. Samantalang ang mapamahiin na si Nikki ay natahimik at nag-isip ng malalim.

Pagdating sa kanilang bahay na tutuluyan, masayang nilagay sa cabinet nina Lindsay at Aikx ang kanilang damit. Nilabas naman nina Amae at Nikki ang kanilang makukulay na jacket at nagmamadaling lumabas at sumunod naman ang iba. Naging masaya ang magbabarkada sa kanilang tatlong araw na pamamalagi sa Baguio at sa kanilang huling araw, nagdesisyon sila na sumumpa sa isang malaking puno nakatanim sa Kitman village.

Habang pababa na kami ng Baguio, kinailangan kong bagalan ang takbo dahil ang aming daan ay binabalot ng makakapal na ulap. Habang kami ay paliko sa isang pakurbang daan, isang nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa amin.

Sa aking paggising, hindi ko malaman kung anong lugar ang aking kinaroroonan. Ngunit isang malakas na tawanan ang pumukaw ng aking pansin at doon nakita ko ang magkakaibigan. Magaganda at tila mga anghel sa kanilang puting damit. Isang gunita ang bumalik sa akin at aking napagtanto na kami ngayon ay narito na sa paraiso.

Napatunayan nga ng magkakaibigan kung gaano sila katibay at nawaglit sa aking isip ang pangakong kanilang binitawan sa malaking puno.

“Lil’angels will be together for the longest time our life can possibly be. We’ll never forget that once in our lives, we found each other and will forever be bounded by our friendship which we will treasure forever.”

Ako si POPOY, naging saksi at kaagapay ng Lil’angels hanggang sa huli!



Authors:
Argene Mae Gumabay
Eunice Velarde
Lynette Aika dela Paz

1 comment:

  1. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete